KASONG ASSAULT, DISOBEDIENCE VS. VP SARA, IBINASURA NG QC PROSECUTOR

Quezon City, Philippines — Ibinasura na ng Quezon City prosecutor ang mga kasong kriminal na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng naging insidente sa Veterans Memorial Medical Center noong 2023.

Batay sa resolusyong ibinababa ng QC Prosecutor’s Office, inirekomenda nito ang dismissal ng mga kasong direct assault, disobedience to authority, at grave coercion laban kay Duterte at chief ng head security nito na si Col. Raymund Dante Petina.

Ayon sa dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya para mahatulang guilty sa akusasyon ang mga inirereklamo.

Ang mga naturang kaso ay nag-ugat sa naging komosyon sa VMMC noong Nobyembre 2024 sa gitna ng paglilipat sa chief of staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez patungo sa St. Luke’s Medical Center.

Ayon sa naturang desisyon, walang sapat na ebidensyang nagpapatunay ng mga akusasyon kaugnay ng mga umano;y pag-atake, pamimisikal, intimidation, resistance, disobedience, karahasan, at mga pagbabanta, gaya ng nakasaad sa reklamo nLt. Col. Van Jason Villamor at ng iba pang kapulisang nagsampa ng reklamo.

Share this