Quezon City, Philippines — Mayorya ng mga pilipino ang kontento at nasiyahan sa naging pagganap sa tungkulin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa huling bahagi ng taong 2024.
Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research mula ika-10 hanggang ika-16 ng Nobyembre 2024, 76% ng mga Pilipino ang satisfied sa overall accomplishments at performance ng AFP, habang 2% lamang ang nagsabing hindi sila satisfied.
Bilang resulta, nakakuha ang AFP ng +74 na net satisfaction rating, na nagpapakita ng mataas na ratings mula sa National Capital Region na nadagdagan ng 20 puntos at 10 puntos sa Visayas.
Nabawasan naman ang net satisfaction rating ng AFP mula sa Mindanao at Balance Luzon.
Batay sa parehong survey, 75% ng mga Pilipino naman ang nagsabing nagtitiwala sila sa AFP, na katumbas ng +73 na net trust rating. 2% ang nagsabing hindi sila nagtitiwala.
Pinakamataas ang net trust rating mula sa Visayas habang pinakamababa naman mula sa Balance Luzon.
Samantala, nagpasalamat naman ang AFP sa publiko sa naging resulta ng survey at nangakong patuloy lamang na tutuparin ang tungkulin nito sa bansa.
“With a deep sense of duty, the AFP remains committed to fulfilling its mandate of protecting the people and securing the state. The organization pledges to continuously strengthen its capabilities and maintain high standards of service to ensure peace, security, and progress for the nation,” saad ng AFP sa isang Facebook post.