Marikina City, Philippines — Sa Marikina, isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagpapakalat at pamimigay umano ng “tabloid” na naglalaman ng pekeng balita patungkol sa kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Marcy Teodoro.
Laman ng tabloid ang balitang diskwalipikado na si Teodoro sa kanyang pagtakbo sa congressional seat ngayong 2025, kahit na wala pang pinal na desisyon ang Commission on Elections (COMELEC) patungkol dito.
Matatandaan na kinansela ng COMELEC first division ang certificate of candidacy ni Teodoro dahil sa isyu sa residency issues, bukod pa sa preventive suspension dahil sa umano’y technical malversion.
Dahil hindi pa pinal ang desisyon ng COMELEC, nananatili pa ring kandidato si Teodoro.
Hawak na ngayon ng Marikina Police ang naarestong indibidwal at sumailalim na sa inquest proceedings.
Kasunod nito, naniniwala naman si Teodoro na ito ay isang uri ng black propaganda laban sa kanya.
Giit nya, ito ay fake news at isang malinaw na paninira laban sa kanya.