LRT-1, MADADAGDAGAN PA NG ISANG ISTASYON

Manila, Philippines – Muling madadagdagan ang istasyon ng LRT-1 Cavite Extension Project sa Bacoor City, ayon ito sa the Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ang panibagong extension ay tatawaging Talaba Station. Ito ay bunsod raw sa hiling ng Bacoor Local Government Unit (LGU) kasabay na rin sa patuloy na development ng nasabing lungsod.

Upang maisakatuparan ito, nanghingi ng karagdagang P3 bilyong pisong pondo para sa taong 2026 ang sangay sa gobyerno at naiparating na rin ito sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang kumpanya na nagpapatakbo ng LRT-1.

Bago pa man ang extension nito, ay patuloy rin ang konstruksyon ng mga istasyon sa Las Piñas at Zapote bilang bahagi pa rin ng Cavite Extension project.

Inaasahan na magbubukas ang naunang dalawang istasyon sa 2028. Samantala, sa taong 2029 o 2030 naman ay posibleng matapos na rin ang linya ng tren sa Niog sa Bacoor.

Share this