ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM POSIBLENG UMABOT SA “CRITICAL LOW” SA KATAPUSAN NG HUNYO

Manila, Philippines — Dahil sa posibleng epekto ng El Nino sa bansa bumaba sa 160 metro ang antas ng tubig sa Angat Dam kung saan maaari pa itong bumagsak sa “critical low level” sa katapusan ng hunyo.

Kahapon naitala ang water level ng Dam sa 163.51 Metro. Ayon naman sa mga hydrologist patuloy ang pagbaba ng average nito akda araw dahil na rin sa kakulangan sa ulan at sa mas mababang inaasahang forecast.

Batay sa weather bureau mula noong June 1 hanggang 22 ay nakapgtala lamang ng 127 metro ng ulan nadahilan para sa malakaing kabawasan kumpara sa inaasahang 280 milimetro para sa nasabing buwan.

Dahil sa epekto nito maaaring makaranas ng kakulangan sa suplay ng tubig sa malaking bahagi ng rehiyon.

Tiniyak naman umano ng pamahalaan ang mga hakbang at interbensyon para tugunann ang mga suliranin patungkol dito.

Sa kabilang banda, asahan naman ayon sa PAGASA ang madalas at malakas na pag-ulan sa ikalawa o ikatlo ng hulyo dahil na rin sa bunsod ng habagat.

Share this