CHINESE EMBASSY HINAMON SI TEODORO NA MAGLABAS NG EBIDENSYA SA UMANO’Y ‘COVER UP’

Hinamon ni Chinese Embassy sa Manila Spokesperson Ji Lingpeng si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maglabas ng ebidensya kaugnay sa akusasyon na nagsisilbing cover up ang embahada kay Chinese businessman Toni Yang at iba pang ilegal na aktibidad sa bansa.

Ayon sa pahayag na inilabas ng embahada, imbes raw sagutin ni Sec. Teodoro ang mga lehitimong problema at katanungan, ito ay gumawa ng walang batayang mga paratang laban sa Chinese Embassy.

Mariin ding itanggi ng embahada ang akusasyon ng kalihim na PR firm sila ni Yang at iba pang ilegal na aktibidad sa bansa.

Ginagawa lamang ng embahada ang kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan ng mga Chinese nationals at hindi masasangkot sa anumang maling paratang.

Sinabi ni Teodoro na wala raw karapatan ang embahada na batas ng Pilipinas at sa alintuntunin ng Supreme Court.

Matapang din na sinabi ng kalihim na hindi lang nagsisilbing PR ni Yang ang Chinese embassy kundi abogado rin.

Pagigiit pa ng kalihim lantaran na umanong ang pag-iwas ng embahada sa kanilang pahayag na nagpapakita ng malinaw na resulta.

Ibinaling din ng kalihim ang pagdemand ng China ng ebidensya gayung tumatanggi ito kapag Arbitral Award ang usapin.—Joycel Oropesa, Contributor

Share this