DOTr: MAYROONG SAPAT NA PUV’s ANG BUMABIYAHE SA NCR

Manila, Philippines – Matapos ang mahigit isang buwan na pagtatapos ng deadline ng consolidation ng mga PUV’s, sinabi ni transportation Secretary Jaime Bautista na mayroong sapat na consolidated Public Utility Vehicles ang patuloy na bumabiyahe sa Metro Manila.

Sinabi ni Bautista na 80% ng mga PUV operator at driver ang sumapi sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP), batay sa ulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ani pa nito, na ang Department of Transportation, ang LTFRB at ang mga local government unit ng Metro Manila ay gumagawa ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).

Ang LPTRP ay nagsasaad ng detalyadong network ng ruta, mode, at kinakailangang bilang ng mga PUV sa bawat mode para sa paghahatid ng serbisyo sa land transport, na siyang pinakamababang kinakailangan na inirekomenda para sa pagpapalabas ng mga prangkisa ng PUV.

Samantala,nahuli na ng LTFRB ang mga unconsolidated na PUV kung saan binawi ang kanilang mga prangkisa pagkatapos ng April 30 na itinakdang deadline.

Nauna nang sinabi ni Bautista na magkakaroon ng mas mahusay na fleet management at dispatch system ng mga PUV kung sila ay maco-consolidate.

Gayunpaman, may ilang grupo ang tumututol sa PUVMP dahil hadlang umano ito sa kanilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this