Manila, Philippines — Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong huwebes, nagpapaalala si Presiding officer at senator judge Chiz Escudero sa defense team na sa kasong unexplained wealth nasasakdal ang bise president at hindi sa paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Nagsimula itong klaruhin ni Escudero matapos kwestyunin ni house prosecutor atty. chel Diokno ang relevancy ng pagtestigo ni atty. Rainer Fuente, dating imbestigador sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Papaalala ni Escudero kay Defense Atty. Mark Vinluan na hindi nito kailangan ipagtanggol si Duterte sa paglabag sa anti-money laundering act dahil hindi ito ang kasong hinaharap ng bise.
Matatandaan na iniurong House Prosecution Team ang tatlong articles of impeachment laban kay VP Sara at itinira nito ang article II na tumutukoy unexplained wealth ng bise at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
Kabilang din sa usaping ito ang hindi idineklarang yaman, katulad ng ari-arian at mga negosyo sa statement of assets, liabilities, and networth (SALN).
Ngunit hindi sinang-ayunan ni atty. Vinluan ang argumento ni Atty. Diokno, nabanggit niya ang page 14 ng article of impeachment kung saan nakasaad umano ang mga bank transaction nino Duterte at Carpio ay maaaring nasangkot sila sa mga predicate offense ng money laundering.
Pagkaraan nito ay tinanong ng depensa si Dela Fuente, batay sa kanyang karanasan bilang financial investigator, kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng katiyakan bago maghain ng mga paratang kaugnay ng ilegal na aktibidad o money laundering.
Ngunit umalma si Atty. Diokno at iginiit na hindi maituturing na pormal na paratang sa impeachment court ang pahayag na “may have been involved in predicate offenses.”
Ayon kay Diokno, pagtatangka umano ang naturang tanong na iligaw hindi lamang ang impeachment court kundi maging ang publiko.
Gayunman, pinayagan ni Senate President at presiding officer Francis Escudero na magpatuloy ang depensa.
Paliwanag niya, nagharap din ang prosekusyon ng testimonya at mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC bilang suporta sa Article II ng impeachment complaint.
Nilinaw naman ni Escudero na ang pagkilala kay Dela Fuente bilang expert witness ay limitado lamang sa pagbibigay niya ng opinyon tungkol sa mga dokumento ng AMLC.
Samantala, nagpakita rin ang depensa ng mga video mula sa impeachment trial noong 2012 ni dating Chief Justice Renato Corona.
Kabilang dito ang mga pahayag ng yumaong senador Miriam Defensor Santiago at ang testimonya mismo ni Corona sa Senado.
Ginamit ng depensa ang mga naturang video bilang bahagi ng paglalahad ng kanilang mga argumento sa impeachment court.