FINAL FOUR PARA SA AVC WOMENS CUP, KUMPIRMADO NA

Manila Philippines — Pasok na sa semi-finals ang bansang Australia, Vietnam, Kazakhstan at ang nangunguna sa Pool A, ang Pilipinas.

Kinuha ng Pilipinas ang kanilang pwesto sa ginanap na laban nila kahapon kontra Chinese Taipei.

Ang laro ay tumagal ng tatlong set na may scores na 25-13, 25-21, at 25-18.

Ibang lakas ang ipinakita ni Eya Laure matapos itong maka kuha ng 15 points mula sa kanyang 12 attacks, 2 ace at sa isang block.

Nanguna ang Pilipinas sa 4-7 run bago nangyari ang 7-0 run na nagbigay sa alas team ng 10 puntos na abante bago tuluyang nasungkit ang ikaapat na panalo nito sa laro.

Maglalaban naman ang Pilipinas at Kazakhstan sa semis sa Martes habang ang Australia naman ay lalaban kontra Vietnam bilang ito ang pumapangalawa sa standing matapos itong maka kuha ng 3 wins 1 loss.

READ: +AVC OFFICIAL ROSTER IPINAKITA NA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this