Manila, Philippines – Sa isang seremonya sa Malacañang Palace, pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Magna Carta sa mga Filipino Seafarers.
Dumalo sa paglagda sina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia Malaluan.
Ayon kay Marcos, layon ng IRR na magkaroon ng One-Stop Shop Centers sa mga Seafarers at pagbabago sa pagtitiyak ng medical treatment at access sa libreng legal representation.
Sumasalamin din daw ito sa hangarin ng administrasyon na magkaroon ng progresibo at pantay na patakaran sa industriya ng Maritime.
Hinikayat din ng pangulo ang Department of Transportation (DOTr), MARINA, Department of Labor and Employment (DOLE), DMW at iba pang ahensya na tiyakin ang agarang implementasyon ng IRR.
Hangad daw ng administrasyon ang patuloy na kaligtasan at kaayusan ng mga Filipino Seafarers.