Manila Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “Eddie Garcia Law” o Republic Act 11996, na naglalayong protektahan at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng movie at television industry.
Ang batas na ito ay ipinangalan kay Eddie Gacia dahil sa nangyaring aksidente dito habang gumaagwa ng pelikula.
Nakapaloob sa “Eddie Garcia Law” ang pag protekta ng mga empployers nito sa kanilang mga tauhan at ang implementasyon ng oras ng trabaho, sahod, seguridad, at iba pang welfare benefits.
Ang batas na ito ay para din sa patuloy na pagpapalawig ng kaalaman at kasanayan ng mga empleyado sa industriya.
Inaatasan naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sa pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno at iba’t ibang stakeholder, na bumuo at magpatupad ng isang sistema ng patuloy na pagandahin ang mga pagsasanay ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Ang mga lalabag naman sa batas na ito ay pagmumultuhin ng 100,00 pesos para sa first offense, 200,000 sa second offense, at 500,000 pesos sa third offense.