RAFAEL NADAL, LAGLAG SA FRENCH OPEN FIRST ROUND

Paris France — Maagang pinauwi ang 14-time champion na si Rafael Nadal sa French Open nitong Lunes ng kanyang katunggali na mula sa 4th seed na si Alexander Zverev ng matalo ito sa scores na 6-3 7-6(5) 6-3 sa first round.

Dahil dito ay napaisip ang kanyang mga taga hanga kung babalik pa ito sa torneo matapos na kanyang pinamunuan sa loob ng dalawang dekada.

Ang 22-time major champion ay nanalo sa Musketeer’s Cup sa unang pagkakataon noong 2005 at huling itinaas ito noong 2022 bago siya nagkaroon ng isang hip injury.

Nang makabalik sa tournament na hindi niya nilahukan noong 2023 at tumangging kumpirmahin ang anumang pamamaalam, muling nagpakita si nadal ng ningning sa saknyang top form sa court philippe chatrier ngunit ang kampeon ay tuluyang natalo sa laban.

Ang panalong ito na Zverev ay nangangahulugang siya ang ikatlong tao na tumalo kay Nadal at Roland Garros pagkatapos ni Novak Djokovic at Robin Soderling.

Nasira si Nadal ng in-form Rome champion na si Zverev sa opening game at muling sumuko sa kanyang serve para ibagsak ang unang set sa hindi magandang kondisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this