MGA PORK PRODUCTS MULA SA KARATIG-LALAWIGAN NG AKLAN, HINDI MUNA PAPAPASUKIN SA PROBINSYA 

Manila, Philippines — Inanunsyo ng Veterinary Quarantine Services ng Western Visayas na maghihigpit ang Aklan sa pagpapapasok ng mga pork products sa kanilang probinsya para maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Sa ibinabang Executive Order ng VQS inabisuhan ang lahat ng mga livestock stakeholders, traders, importers at shipper na pansamantala munang ipagbabawal ang pagpasok ng mga pork products, live swine, swine semen, embryos at iba pang swine genetic materials sa probinsya ng aklan kung manggagaling ito sa Capiz, Iloilo at lahat ng probinsya at highly urbanized cities sa Negros Island Region (NIR).

Saklaw rin ng nasabing EO ang pagbibiyahe, pagbebenta at pamamahagi ng mga nabanggit na produkto basta galing o dumaan sa nasabing mga lalawigan.

Sa ngayon, kasalukuyan nang nagpapatupad ang Veterinary Quarantine ng mas mahigpit na quarantine inspection, biosecurity measures at boarder control checkpoint sa lahat ng entry at exit points ng mga pantalan, paliparan at municipal boundary checkpoints.

Pinahihintulutan naman makapasok sa Aklan ang mg kargamento basta mayroong Certificate of Acceptance (CA) mula sa Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) at iba pang kinakailangang veterinary at shipping permits.

Kabilang din sa mga ito ang iba pang mga sumusunod na requierments gaya ng Veterinary Health Certificate, Bai Local Shipping Permit at iba pa.

Hinikayat ng VQS ang lahat na sumunod sa mga panuntunan para maprotektahan ang kabuhayan ng mga hog raisers sa Aklan at maiwasan ang ASF.

Samantala ang paghihigpit ay kasunod ng mga naitalang active cases ng African Swine Fever (ASF) sa Iloilo, Capiz at Negros Island Region.

Share this