Manila, Philippines — Philippine Eagle na si Sawaga-Dalwangan na nasagip nitong July 3 sa Malaybay Bukidnon, patuloy ang paggaling ayon Philippine Eagle Foundation.
Matatandaan nang ito ay masagip, mahina, dehydrated, at hindi na makakain nang mag-isa ang agila.
Mayroon din itong maraming sugat, matinding infestation ng uod sa pakpak, tiyan, at buntot, habang natuklasan sa X-ray na may dalawang metal pellets sa katawan nito.
Agad naman itong binigyan ng sapat na medikasyon ng mga beterinaryo.
Sa kasalukuyan, patuloy na nagrerecover ang PH eagle ngunit anila alerto na ang agila, nakakakain na nang mag-isa, at tuluyan nang gumaling ang mga sugat nito.
Matagumpay na ring naalis ang isa sa dalawang metal pellets na nasa pakpak, habang patuloy na inoobserbahan ang isa pa na nananatili sa kaliwang hita nito.
Kapag tuluyan nang nakarekober at negatibo sa lahat ng sakit, ililipat ang agila sa quarantine facility ng Philippine Eagle Center sa Malagos, Davao City.