PANIBAGONG CHILDREN’S MEDICAL CENTER SA MABALACAT, PAMPANGA MAGBUBUKAS SA AUGUST 1

Pampanga, Philippines—Nagsagawa ng inagurasyon ang Department of Health-Jose B. Lingad (DOH-JBL) para sa pagbubukas ng isang Children’s Medical Center.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapasinaya nitong Biyernes, July 24 sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga.

Ang pediatric hospital ay inaasahang makapagbibigay ng “high-quality care” sa mga batang pasyente mula sa mga rehiyon I, II, III, at mga karatig na lugar.

Mayroon itong mahigit 100 higaan, integrated operating room, consultation area para sa mga pasyente, at mga advanced na diagnostic equipment, gaya na lamang ng 128-slice CT scanner, at artificial intelligence-enabled na X-ray system.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang ilang korporasyon at foundations na naging bahagi sa pagsasakatuparan ng ospital.

Dagdag pa niya, magiging isang “trailblazer” umano ang naturang pasilidad sa buong Central Luzon na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga bata at para sa mga batang pasyente lamang.

“As we always say, as pediatricians, we work for the benefit and all for the Filipino child. This is part of the general commitment of pediatricians. This is part of our sworn duty to serve the Filipino children,” ani Marcos.

Kasama ng Pangulo ang kanyang asawa, First Lady Liza Araneta Marcos, na siyang nagsagawa ng inspeksyon sa pasilidad.

Nakatakdang buksan para sa publiko ang DOH-JBL sa August 1.—Jen Latuga, Contributor

Share this