PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO, NAHAHARAP SA REKLAMONG GRAFT

Isang graft complaint ang nakahain ngayon laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto kasunod ng alegasyon ng pagbibigay umano nya ng tax discount sa isang telecommunications company.

Sa 17-page na complaint-affidavit na inihain ni Ethelmart Austria Cruz sa Office of the Ombudsman, inakusahan nito ang alkalde ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of service and dishonesty matapos umano nyang pagkalooban ng 100% na tax discount ang Converge ICT Solutions, Inc.

Batay sa reklamo ni Cruz, 5 square meters lang ang office space at apat na empleyado lang ang idineklara ng kumpanya para sa kanilang tax purposes, ngunit sa inspeksyon noong 2022, lumalabas na misdeclared ang datos na ito.

Sa inspection reports noong Hulyo at Setyembre ng taong 2022, mayroong 1,901 na empleyado at mahigit 9000 square meters na totak area ang four-storey office building ng kumpanya.

Dahil dito, may mahigit P5 milyong tax order payment na inisyu para sa kumpanya.

Nanindigan si Cruz na binigyan ng alkalde ng 100% na tax discount ang converge, na maituturing na pagbibigay nito ng unwarranted benefits at isa umanong malinaw na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa kabila nito, ipinagsawalang-bahala naman ni Mayor Sotto ang reklamo laban sa kanya at ang tanging naging sagot lamang ay “kahit sino ay pwedeng magsampa ng reklamo.

Share this