Manila, Philippines – Sa bisa ng Executive Order (EO) No. 81 na inilabas ng palasyo ng Malacañang, magkakaroon na ng bagong opisyales ang National Security Council (NSC).
Sa pamamagitan nito papalitan na rin ang ilang opisyales ng NSC, kabilang na ang Office of the Vice President (OVP) bilang isa sa mga pangulo ng Konseho.
Pamumunuan na ngayon ng bagong Executive Committee ang NSC kabilang na rito si Pangulong Bongbong Marcos bilang Chairperson, gayundin ang Executive Secretary (ES), Senate President (SP), Speaker of the House of the Representatives, National Security Adviser, kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ), Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang miyembro o advisers na maaaring italaga ni Pangulong Marcos.
Binubuo ng 26 na opisyales ang NSC mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan mula sa ehikutibo hanggang sa lehislatura.
Ang Director-General naman ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hepe ng Philippine National Police (PNP), at director ng National Bureau of Investigation (NBI) ay kinakailangang dumalo sa mga ipapatawag ng pagpupulong konseho.
Samantalang ang governor naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay kailangang dumalo kapag ipinatatawag ng NSC.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang EO noong ika-30 ng Disyembre taong 2024.
Agaran rin ang pagpapatupad sa rego-organization ng NSC.
Mahalaga ang papel ng NSC bilang coordinating at integrating body sa mga plano at polisiya ng pamahalaan na may kaugnayan sa estado ng pambansang seguridad.
Ang NSC ay binuo sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 1 or ang ‘National Defense Act’ sa bisa na rin ng ‘Administrative Code of 1987’.