Manila, Philippines – Bilang paggunita sa pista ng Poong Hesus Nazareno, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-9 ng Enero bilang isang special non-working day sa lungsod ng Maynila.
“The Feast of the Black Nazarene will be celebrated on 09 January 2025, Thursday… Millions of devotees are expected to flock the Quiapo Church and the City of Manila,” nakasaad sa proklamasyon.
Batay ito sa Proklamasyon Blg. 766 na nilagdaan nitong Biyernes. Layon ng deklarasyon na matiyak ang maayos na daloy ng prusisyon at trapiko sa lungsod sa araw ng kapistahan.
“In order to ensure orderly procession of devotees and to facilitate the flow of traffic, the City of Manila requests that Thursday, 09 January 2025 be declared a special (non-working) day,” dagdag pa nito.
Magmumula naman ang ruta ng prusisyon sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church sa kahabaan ng Quezon Boulevard.