SOFITEL TIGIL OPERASYON NA SA HULYO 1,2024

Manila Philippines – Opisyal na kinumpirma ng Sofitel Philippine Plaza Manila ang pagsasara nito, simula Hulyo 1, matapos ang limang dekadang pagseserbisyo.

Kamakailan sa isang pahayag, sinabi ng luxury resort na kanilang pangako ay ang pagtiyak na sila ay makakapagbigay ng pinakamahusay na karansan pra sa kanilang guest at staff.

“This decision comes as part of our ongoing commitment to providing our guests and colleagues with the best possible experience,” ayon sa pamunuan ng hotel.

Patuloy naman umano na igagalang ng hotel ang mga kasalukuyang pakikipag-ugnayan at pagpapareserba ng kanilang mga guset hanggang sa katapusan ng Hunyo bago na ito ay magsara.

Samantala,bilang pagpapahayag ng pasasalamat, kinilala ng Sofitel ang suporta ng mga stakeholder, empleyado, at mga bisita na naging mahalaga sa paglalakbay nito.

Nagbukas ang Sofitel Philippine Plaza Manila noong 1976, at mula noon ay pinaunlakan ang mga pinuno ng estado, celebrity at pandaigdigang korporasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this