SSS MAS PINABILIS ANG PAGBIBIGAY NG BENEPISYO SA MGA KAANAK NG OFW NA NAMATAY SA BAHA SA DUBAI

Manila Philippines – Nakatakdang tulungan ng Social Security System (SSS) ang tatlong overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa pagbaha sa United Arab Emirates noong buwan ng Abril.

Sinabi ni SSS president Rolando Macasaet sa isang pahayag na inatasan niya ang kanilang mga local offices na makipag-ugnayan sa mga pamilya nina Jenny Gamboa, Marjorie Saquing-Ancheta, at Dante Casipong para tulungan sila sa paghahain ng burial at death benefit claims.

“We sympathize with the bereaved families of our kababayans who presumably have drowned after their vehicles got submerged in floodwaters in Dubai. Our branch personnel will help them process their benefit claims until they receive the SSS benefits,” sinabi ni Macasaet.

Namatay umano sina Gamboa at Ancheta dahil sa suffocation habang nasa loob ng kanilang sasakyan noong baha.

Samantala, kasama ni Casipong ang kanyang mga kasamahan nang nadulas umano ang kanilang sasakyan sa sinkhole.

Naiuwi na ang mga labi ng tatlong OFW noong unang bahagi ng Mayo.

Habang ang mga pag-ulan noong Abril ang pinakamalakas na tumama umano sa UAE sa loob ng 75 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this