Sa pakikipagtulungan ng Department of Justice o DOJ at Correctional Institution for Women sa Huawei Technologies Philippines, Inc. at Metro Pacific Health Tech Corporation.
Libreng konsultasyon sa doktor ang maaari ng magamit ng mga kababaihan sa loob ng prison facility sa Mandaluyong.
Sa pamamagitan nito, mas mapapangalaagaan na ang kanilang kalusugan kahit nasa loob ng kulungan.
Laman ng naturang digital healthcare platform ang iba’t ibang espesyalista na titingin sa mga may iniindang karamdaman 24/7 at pagbibigay ng reseta sa mga ito.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla karapatan ng bawat Pilipino ang makatanggap ng libre at mas mabilis na medikal na konsultasyon anumang etsado sa buhay.
Kasabay nito nag pasalamat din ang kalihim sa tech companies na naging bahagi ng paglulunsad ng naturang app.