HOUSE PANEL, IDINEKLARA ANG DALAWANG IMPEACHMENT COMPLAINT VS PBBM BILANG ‘SUFFICIENT IN FORM’

Manila, Philippines – Sa botong 46 at 35 affirmative para sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. idineklara ang dalawang reklamo bilang ‘sufficient in form’. 

Nitong araw ng Martes, February 2, dininig na ng House of Representatives Committee on Justice ang dalawanag nakahain na impeachment complain laban kay Marcos. 

Ayon kay Committee Chair at Batangas 2nd District Rep. Atty. Gerville Luistro, tumutukoy ang ‘sufficiency in form’ sa pormalidad ng reklamo na ipinasa sa kamara. 

Ibig sabihin naglalaman dito ng verification, notarized, at mayroong endorsement. 

Sa reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus na inendorso ni Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay, 46 na kongresista ang sumang-ayon na sufficient in form ang reklamo, hindi sumang-ayon si Manila Representative Bienvenido Abante Jr, isa ang abstain. 

Sa kabilang banda, ang reklamong inihain ng Makabayan Bloc ay nakakuha ng nakalikom ng boto na 35 yes, 9 ang no at isa ang nag-abstain. 

Bukas naman ay tatalakayin grounds kung pagdedesisyusan ng miyembro ng komite ang ‘suffiency in substance’ ng dalawang reklamo. 

Hindi lamang tiyak ng mga mambabatas kung gaano katagal aabutin ang prosesong ito. 

Nilinaw naman ng house panel na hindi pa ito ang mismong pagdinig ng reklamo. 

Ayon kay Luistro, sa oras na matapos na ang preliminary process, sunod ang notice kung saan maaaring magsumite ng pleadings, at filing answers ng respondent. 

Saka pa lamang maaaring tuluyang magkakaroon ng pagdinig sa impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.

MALACAÑANG, KOMPYANSANG HINDI MAIDEDEKLARANG ‘SUFFICIENT IN SUBSTANCE’

Samantala, nanindigan ang Malacañang na walang ginawang mali si Pangulong Marcos at kumpyansa silang hindi makakalusot bilang ‘sufficient in substance’ ang reklamong impeachment. 


Muling binigyan diin ng palasyo na ginagalang nila ang proseso ng kongreso.–Krizza Lopez, Eurotv News

Share this