Manila, Philippines – Inaprubahan ng mga miyembro ng House Committee on Justice ang tuluyang pagbasura ng dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa botong 39 affirmative at 4 no, inaprubahan ang committee report nagbabasura sa dalawang impeachment cases.
Sa mismong hearing, iginiit ni Committee Vice Chair Rep. Ysabel Maria Zamora, bigo ang reklamo na patunayan ang pagkakasangot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa korupsyon.
Si ML Partylist Representative Atty. Leila De Lim, nagbigay ng magkaibang boto sa dalawang impeachment.
Sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Andre De Jesus, pabor si De lima na i-dismiss ang reklamo dahil sa insufficent in substance.
Ngunit hindi sya pumabor sa ibasura ang reklamo mula sa civil societies.
Tinawag niyang premature ang desisyon ng kamara na tapusin na ang reklamo sa determination of sufficiency in form at substance.
Giit niya na may bigat ang mga alegasyon nakasaad sa reklamo ng Maza, et. al.
Ayon kay Committee Chair Batangas 2nd District rep. Atty. Gerville Luistro, ang nangyaring botohan ang nagbigay ng tuldok sa proceeding kaugnay sa impeachment laban sa Pangulo.
Inaasahan na ngayong araw ay maililipat na rin ang aprubadong committee report sa plenaryo nang mapagbotohan ng mga kongresista ang pagtanggap sa desisyon ng committee on Justice.—Krizza Lopez, Eurotv News