Manila, Philippines – Kabilang ang pag-abolish ng travel tax, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 21 priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Ayon kay Palace Press officer at Undersecretary Claire Castro, lahat ng ito ay inaprubahan sa nangyaring pagpupulong ngayong araw.
Bukod sa pagbuwag ng travel tax, ilan pang mahahalagang panukalang batas ang napabilang sa priority measures ng administrasyon.
Kasama na riyan ang panukalang batas na may layuning masugpo ang online gambling, sexual abuse, pagkalat ng fake news sa bansa, at maging ang digital disinformation.
Napasama rin sa LEDAC ang kauna-unahang parliamentary election in Muslim Mindanao na naglalayong tiyakin ang kaayusan at katiwa-tiwalang eleksyon.
Sa pagpupulong ng sangay ng ehekutibo at lehislatibo, napag-usapan din Anti-political Dynasty Bill na kasama priority measure ng administrasyon.
Kaugnay sa pag-abolish ng travel tax, igiinit ni USEC. Castro handa ang gobyernong pondo ang anumang maaapektuhan sa pagkawala nito sa pamamagitan ng General Appropriation Act.
Batay aniya sa nagging pagpupulong, Nakita ng pangulo kung gaano makatutulong sa ekonomiya at turista ang pag-abolish ng travel tax.
Ngunit hindi pa napapag-usapan ang maaaring maging epekto nito sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).—Krizza Lopez, Eurotv News