NFA NAKATAKDANG ISUBASTA ANG 750,000 SAKO NG AGING MILLED RICE SIMULA FEB. 20

Manila, Philippines – Sisimulan nang isubasta ng National Food Authority (NFA) ang nasa 750,000 na sako ng aging milled rice sa February 20 ng kasalukuyang taon.

Ito yung mga bigas na tatlong buwan na o higit pa na nakaimbak sa mga bodega ng NFA.

Sa isang panayam tiniyak ni NFA Administrator Larry Lacson na dumaan ang mga bigas na ipapa-auction sa laboratory examination at lahat ito ay fit for human consumption.

Minimum o hindi hihigit sa 5,000 bags ang maaaring i-bid o bilhin ng bawat mamimili.

Depende sa edad ng bigas ang halaga ng ipapa-auction na aging milled rice.

P16-P25 kada kilo kung 3 months hanggang 6 months habang pinakamura na ang P22.52 kada kilo kung 18 month pataas

Kahit sino raw ay pwedeng maki-bid sa auction, may negosyo man o indibidwal basta’t may proper document na maipakita.

Inaasahan naman ng NFA na mauubos ang lahat ng mga bigas na ipapa-auction nila sa Feb. 20

Kung saan tinatayang nasa P912M ang magiging kita nito na gagamitin sa lahat ng operational expenses ng kanilang ahensya kabilang na raw dito ang pambili ng bagong mga palay, pasahod sa mga tauhan at iba pang gastos.

Gayunpaman sakaling hindi ito kaagad maubos, muli nila itong iaaalok sa mga lokal na pamahalaan, Government agencies at Government Owned and Control Corporation (GOCC’s).

Samantala, batay sa umiiral na batas, kinakailangan ng isubasta sa pamamagitan ng auction ang mga bigas na lampas tatlong buwan nang nakaimbak sa bodega para hindi ito tuluyang maging unfit for human consumption o hindi na ligtas kainin pa ng tao.

Nilalayon din nitong mapaluwag ang mga warehouses at malagyan ng mga bagong biling palay mula sa mga magsasaka.

Share this