‘SIMBAKALUSUGAN’ SA TABI NG MGA SIMBAHAN, NAKATAKDANG UMIKOT SA BUONG PILIPINAS PARA SA LIBRENG GAMOT AT CHECK-UP 

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Health (DOH) at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagtatayo ng ‘SIMBAKALUSUGAN’ sa tabi ng mga simbahan para sa lahat ng mananampalataya at may karamdamang nais magpa-check-up.

Ang magkatuwang na pagtutulungan ng simbahang katoliko at DOH ay naglalayong mas mailapit sa bawat komunidad ang serbisyong medikal ng pamahalaan.

Opisyal na sinimulan ang kauna-unahang simbakalusugan project sa ilalim ng PuroKalusugan sa Our Lady of the Pillar Catholic School sa Imus City, Cavite na pinangunahan ni Health Secretary Ted Herbosa, Bishop Reynaldo Evangelista Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Health Care (ECHC) at Rev. Fr. Rodolfo Cancino Jr. 

Kabilang sa mga maaaring ipakonsulta sa simbakalusugan ang pagpapa laboratory, ECG, mental health education at counseling.

Kasama rin sa mga ito ng blood testing, HIV Testing, dental check-up, chest X-ray para sa Tuberculosis, at pagtukoy sa non-communicable disease.

May ibinibigay ding libreng mga gamot depende sa pangangailangan ng isang pasyente. 

Ayon kay Herbosa nakatakdang umikot sa buong Pilipinas ang Simbakalsugan para mailapit sa lahat ng mga Pilipino ang libreng konsultasyon sa iba’t ibang uri ng mga sakit nang hindi na iniisip pa ang layo ng pagamutan at gastusin sa mga doktor.

Share this