CAAP NANAWAGAN NG HUSTISYA AT KATARUNGAN SA PAMAMARIL SA ACTING AIRPORT MANAGER NG PUERTO PRINCESA INTERNATIONAL AIRPORT

Manila, Philippines – Hustisya at katarungan ngayon ang panawagan ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) sa pagkasawi ng kanilang Acting airport manager sa Puerto Princesa International Airport matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa Bayview Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City kahapon, February 18.

Ayon sa CAAP, mariin nilang kinondena ang shooting incident.

Nababahala rin daw sila marahas at hindi makatarungang dahilan ng pamamaril sa nasabing opisyal.

Kaugnay pa rin nito, nanawagan ang CAAP sa mga kinauukulang awtoridad na pabilisin ang imbestigasyon para mahuli ang mga responsable sa insidente upang mapanagot sa batas.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang ahensya na tumulong sa imbestigasyon, kung saan nakikipag-ugnayan na raw sila sa mga local law enforcement agencies upang mapabilis ang paghahanap sa namaril at kung may posibleng masterminda sa nangyari.

Nagbigay naman ng pakikiramay ang ahensya sa mga naulilang pamilya at nangakong mabibigyan ng hustisya ang karumal dumal na krimen na sinapit ng kanilang opisyal.

Samantala batay naman sa inisyal na report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) base na rin sa CCTV Footage.

Naglalakad ang nasabing opisyal sa kalsada malapit sa church ng may lalaking papalapit sa kaniyang likuran at ng makatiyempo, binaril nya ito habang nakatalikod. 

Agad naman daw naisugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay matapos magtamo ng multiple gunshot wounds.

Sa ngayon bumuo na ng PPCPO ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa imbestigasyon.

Nagtutulungan na rin ang PPCPO at Puerto Princesa City Forensic unit para mangalap ng iba pang impormasyon, pagkakakilanlan ng mga suspek at posibleng motibo sa pamamaril.

Samantala, sa isang panayam itinanggi naman ni CAAP Area Manager Mohammad Naga Rascal ang ilang haka hakang pagkakasangkot di umano niya sa nasabing insidente.

Nag-ugat ang pagkakaugnay niya sa pangyayari matapos ang nangyari umanong alitan ng dalawa dahil sa maanomalyang mga proyekto sa loob ng airport kung saan ang biktima ay dating OIC Airport Manager noong nakaraang taon.

Nilinaw din ni Rscal na hindi totoo ang mga alegasyon na anomalya at wala rin silang alitan ng biktima.

Share this