Manila, Philippines – Sa pagtatapos ng Phase 1 ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ng Department of Health (DOH) sa Mindanao at BARRM matapos ang 33 araw na bakunahan sa mga batang edad 5-59 na buwan o wala pang limang taong gulang.
Nananatiling suportado ng Imam Council of the Philiipines ang Kagawaran ng Kalusugan sa adhikaing bigyan ng proteksyon sa nakakahawang tigdas ang mga bata sa pamnamagitan ng pagbabakuna.
Ayon kay Ret. PCOL Ebra Moxsir, National President ng Imam Council, naniniwala ang kanilang organisasyon sa layunin ng DOH kaya’t mahalaga raw ang pagsasagawa ng mga information drive upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko sa at malamang ng mga ito ang kahalagahan ng bakuna.
Alinsunod rin daw ito sa paniniwala ng Islam na basta hindi nakakasira sa katawan o isip ng isang tao ay susuportahan nila.
Bukod din daw sa taimtim na pagdarasal kinakailangan din ng tamang proteksyon sa kalusugan gaya ng mga bakuna.
Samantala sa ngayon paghahandaan naman ng DOH ang Phase 2 ng Ligtas Tigdas Vaccination sa June para sa mga batang nakatira sa Luzon at Visayas.
Sa ngayon wala pang pinakabagong datos na inilalabas ang DOH kaugnay sa kabuuang resulta ng bakunahan sa BARMM at Mindanao ngunit sa pinakahuli nilang Situation Report, lampas dalawang milyong bata na ang nakatanggap ng Measles-Rubella vaccine.