The Hague, Netherlands – Sa ikatlong araw ng confirmation of charges laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Iprinesenta sa ikatlong araw ng kampo ni Duterte ang mga argumento laban sa mga ebidensyang inilabas ng prosecutor ng ICC at mga abogado ng mga biktima.
Giit ng grupong Duterte Panagutin Europe Network na hindi sapat at walang saksak ang mga inilatag na argumento ni Atty. Nicholas Kauffman.
Anila, nakatuon lamang ang depensa ng dating pangulo sa maliliit na detalye na layong hanapan ng butas ang mga argumento at ebidensyang inilabas ng prosekusyon.
Nakakabahala pa anila ang tangka umanong pagpapaliit sa datos ng extrajudicial killing, nang sabihin ng defense team ng dating pangulo na mas mataas pa ang porsyento ng mga naaresto at naipakulong kung ikukumpara sa mga namatay.
Isang insulto umano ang ganitong argumento sa mga biktima at sa pamilyang naiwan na naghahangad ng hustisya.
Pinuna rin ng Duterte Panagutin Europe Network ang patuloy na pangkukwestyon sa kahulugan salitang neutralize para palitawin na legal ang self defense o walang iisang plano.
Ayon sa grupo, lingid sa kaalaman ng depensa na ang mga argumentong nakabatay sa pangulo ay nalalayo sa pagkatalo.
Tiwala aniya ang grupong Duterte Panagutin Europe Network sa Pre-trial Chamber na ang magiging desisyon nito ay nakabatay sa mabibigat na ebidensyang na handang ilabas ng prosekusyon sa mismong paglilitis.—Krizza Lopez, Eurotv News