DOH MAGPAPATUPAD NG BUWANANG KALYESUGAN CAR-FREE SUNDAY SA MGA LGU 

Manila, Philippines – Matapos matagumpay na mailunsad sa Tomas Morato Quezon City ang kauna-unahang KalyeSugan Car-free, Care Free Market Initiative na isa sa mga programa ng Department of Health (DOH) na naglalayong hikayatin ang publiko na maging aktibo sa iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa pagpapabuti at pagpapalakas ng kalusugan.

Nagpahayag ang DOH na plano nila itong gawin sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa kada buwan.

Ayon sa DOH, ang naturang programa ay bahagi ng selebrasyon ng Philippine Heart Month, Oral Health Month, National Cancer Awareness Month at World TB Day na itutuloy tuloy nila hindi lang sa QC kundi sa buong Metro Manila at iba pang rehiyon.

Sa pamamagitan daw ng Car Free Sunday, mabibigyan ng malaking espasyo ang publiko na makapag-ehersisyo, makapag-jogging, walking at makapag-bisekleta ng walang mga sasakyan sa kalsada.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang 30 hanggang 60 minutong pagsasayaw ay maaaring makabawas ng 150-300 calories na makakatulong para mapababa ang timbang.

Bukod sa hatid ng DOH na Energzing zumba sessions at educational activities.

May libreng serbisyong medikal din ang ahensya gaya ng Chest X-ray, HIV Testing at Counseling, Blood sugar screening, Chronic Kidney Disease Screening, Breast at Cervical Cancer Screening at Dental Check-up.

Kasama rin sa programa ang kadiwa pop-up market, kung saan mabibili ang mga masusustansyang pagkain.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte na dumalo sa pagsisimula ng aktibidad, ang kanilang lungsod ay isang taon nang nagsusulong ng Car free, Care free Morato mula scout rallos hanggang Don A. Roces.

Ipinahayag naman ng alkalde na layon nilang palawigin ang open spaces sa QC tuwing linggo na pansamantalang magsasara sa ilang kalsada para bigyang daan ang publiko na magsagawa ng iba’t ibang kaparehong aktibidad kaugnay sa healthy at active lifestyle.

Samantala kabilang din sa inilunsad ng DOH, kasabay ng kalyesugan ang ‘aksyon kontra presyon’ bilang paglaban naman sa nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino na high-blood pressure, heart attack o stroke at iba pang cardiovascular diseases.

Share this