Manila, Philippines – Bahagyang bumilis ang inflation rate ng bansa sa 2.4% noon buwan ng Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Batay sa resulta ng monitoring ng PSA, unang dahilan ng mabilis na paggalaw ng inflation ang Food and Non-alcoholic beverages na may 65.6% share sa pagtaas ng inflation rate.
Partikular dito ang pagtaas ng presyo ng cereal and cereal products, vegetables, tubers, and the like- particular ang pagtaas ng presyo ng kamatis, at panghuli ang pagtaas ng presyo ng isda at iba pang laman-dagat.
Ayon kay National Statistician and Civil Registrar General USEC. Claire Dennis Mapa, nagsimula nang tumaas ang regular milled rice noong November 2025 at patuloy pang tumataas noong Pebrero.
Sumunod na nag-ambag sa mabilis na paggalaw ng inflation ang housing, water, electricity, gas, and other fuels.
Ikatlo ang restaurants and accommodation services.
PSA, NAKIKITANG SASAMPA SA POSITIVE RATE ANG INFLATION SA PRODUKTO NG PETROLYO
Dahil sa nagbabadyang sampung pisong dagdag sa presyo ng langis bunsod ng nagpapatuloy na alitan sa gitnang silangan.
Iginiit ni USEC. Mapa na posibleng sumampa sa positive territory ang antas ng inflation ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Mag-iisang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang palitan ng mga pag-atake ang US at Israel laban sa Iran.
Bunsod nito, ikinababahala ng maraming bansa, kabilang na ang Pilipinas ang lubos na pagtaas ng presyo ng langis sa world market.