Manila, Philippines – Nagbabadya ang malaking dagdag presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, sa gitna ng palitan ng putukan sa gitnang silangan.
Batay sa pagtataya ng mga kumpanya ng langis, aabot sa pitong piso kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina, habang labing limang piso naman para sa produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, maaari pang mas tumaas ang dagdag presyo ng langis sa mga susunod linggo, matapos isara anga strait of Hormus sa Iran na nagsisilbing global shipping corridor.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga sektor na direktang tatamaan ang pagsirit ng presyo ng petrolyo.
Iginiit din ng pangulo ang plano niyang humiling sa kongreso na bigyan siya ng kakayahan na tanggalin ang excise tax sa produktong produkto.
Nitong miyerkules, nanawagan na si Senator Chiz Escudero na repasuhin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) na magbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na suspendihin o babaang ang tax sa gitna ng krisis.
Gayundin, nananawagan na ang grupong Makabayan bloc sa administrasyong Marcos na aksyunan sa lalong madaling panahon ang nagbabadyang pagtaas ng langsiis.
Binatikos ng grupo ang administrasyon sa pagsasawalang bahala umano nito sa isyu.
Giit nila, hindi na dapat pang hintaying ng gobyerno na umabot sa walong pung dolyar ang presyo ng kada bariles: “We cannot wait for $80 per barrel when the people are already drowning at $78,. In fact, oil price is already over $80 per barrel.”
Panawagan ng grupo sa publiko na magprotesta para isulong ang pagsesertipika ng House Bill 215 o ang Presyo Ibaba Bill na layong ibasura ang excise tax at value added tax sa petrolyo, kuryente, tubig, toll at sa pagkain.—Krizza Lopez, Eurotv News