16 REAL ESTATE PROPERTIES NI ZALDY CO, PINAKUKUMPISKA NG SANDIGANBAYAN

Manila, Philippines – Pinakukumpiska na ng Sandiganbayan Court ang mga ari-arian ni dating Ako Bicol Representative at dating House Committee on Approprition Chair, Zaldy Co, matapos masangkot sa flood control project scandal. 

Batay sa utos ng anti-graft court, layon nitong makalikom ang gobyerno ng P215 million bilang civil Liability, sa oras na mapatunayang may sala si Co.

Nabuo ang kautusan ng korte matapos nito pagtibayin ng korte ang hiling ng prosecutor na Ex-Parte Motion for Issuance of Writ of Preliminary Attachment laban kay Zaldy Co at sa asawa nitong si Mylene Co. 

Kung labing anim na real estate ang target na bawiin ng korte. 

Paliwanag ng korte, otorisado ang naging desiyon ng korte sa ilalim ng rule 127 ng Rules of Court sa Provisional Remedies in Criminal Cases. 

Pinapahintulutan nito ang gobyerno i-embargo ang ari-arian ng akusado bilang garantiya sa anumang hatol na maaaring makuha. 

Saklaw ng kautusan kung ang kasong kriminal ay sangkot na pera o ari-arian galing sa korapsyon, panlilinlang,  o paglipat ng pondo o ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno. 

Binigyang pansin din ng korte ang isinumiteng Affidavit of Merit ng Office of the Ombudsman na may kinalaman sa pagkakasangkot nito sa flood control project scandal. 

Giit pa ng Korte,  walang legal na karapatan si Co sa P215 milyon na natanggap nito sa pagkuha ng mga government project sa ilalim ng kanyang kumpanya Sunwest Inc.

Saad ng korte, lahat ng dokumentong ginamit upang makuha ang pera ay peke at bahagi lamang ng maling sistema para mapaniwala ang korte. 

Share this