Manila, Philippines – Pansamantalang ipatutupad ang tigil-operasyon ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) mula April 2 hanggang April 5, 2026.
Ito ay upang bigyang-daan ang taunang Holy Week Maintenance Activity sa naturang tren.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), isasagawa ang maintenance upang matiyak ang mas ligtas, maayos, at maaasahang serbisyo para sa mga commuters.
Sa loob ng apat na araw na maintenance period, hindi magkakaroon ng operasyon ang mga tren ng MRT-3 upang maisagawa ang kinakailangang inspeksyon, pagkukumpuni, at iba pang technical works sa linya.
Samantala, inaasahang magbabalik ang normal na operasyon ng MRT-3 sa April 6, 2026.
Humingi naman ng pang-unawa ang ahensya sa publiko, lalo na sa mga regular na pasahero ng MRT-3, habang isinasagawa ang taunang maintenance upang mapanatili ang kaligtasan at kalidad ng serbisyo ng tren.—Grachella Corazon, Eurotv News