ALCANTARA, DPWH CONTRACTOR, TINANGGAL BILANG RESPONDENT SA TATLONG KASO NG MALVERSATION, GRAFT KAUGNAY SA FLOOD CONTROL SCHEME

Manila, Philippines – Tinanggal bilang respondent sina Engr. Henry Alcantara at isang DPWH contractor sa tatlong kaso ng malversation at graft, ayon sa Department of Justice.

Ayon kay Justice spokesperson Polo Martinez, tinanggal sina Alcantara at si Sally Santos ng SYMS Construction matapos nilang tumanggap witness protection program. 

Hindi na rin umano kasama pa si Alcantara sa mga impormasyong ipinasa sa korte.

Habang si Santos ay hindi aniya kinasuhan. 

Opisyal na idineklara bilang state witness sina Alcantara at Santos noong January, kabilang sina former DPWH undersecretary Roberto Bernardo at Former DPWH regional Director Gerard Opulencia. 

Nauna nang ipinaliwanag ni Justice Secretary Fredderick Vida na ang mga nagiging state witness ay nangangahulugan ng paglaya sa pananagutang kriminal ng mga inaakusahan.

Sa kabilang banda, sina former DPWH Assistant Engr. Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at ang iba pang sangkot sa anomalya sa ghost at substandard na flood control project ay kinasuhan. 

Unang inihain ang kaso noong January 30, February 9, at February 13 sa Bulacan, ngunit inilipat na rin ito sa Quezon City court.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this