MGA SIBILYAN SA MAGKAKAHIWALAY NA LUGAR SA SULU, NAGSURRENDER NG MGA BARIL

Sulu, Philippines – Apat na baril ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan sa iba’t ibang lugar sa Sulu bilang bahagi ng kampanya laban sa loose firearms.

Ayon sa Philippine Army 11th Infantry “Alakdan” Division, naganap ang sabayang surrender noong March 22 sa mga bayan ng Panamao, Luuk, at Tapul.

Kabilang sa mga isinuko ang isang M1 Carbine rifle, dalawang M1 Garand rifle, at isang .357 revolver.

Sinabi ni 21st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Ronald Borras na naging posible ang surrender dahil sa koordinasyon ng barangay officials at pulisya.

Ayon naman kay 1102nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Alaric Avelino P. Delos Santos, patunay ito ng tumitibay na tiwala ng komunidad sa peace initiatives ng pamahalaan.

Dagdag naman ni Joint Task Force Orion Commander Maj. Gen. Leonardo I. Peña, mahalaga ang boluntaryong pagsuko ng armas upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kapayapaan.
Patuloy namang hinihikayat ng militar ang publiko na makiisa sa mga programa para sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.–Carlos Concha, Contributor

Share this