2 LUGAR SA PILIPINAS, NAKARANAS NG 42° DANGEROUS LEVEL NA HEAT INDEX NGAYONG ARAW NG MARTES — PAGASA

Manila, Philippines – Labis na init at alinsangan ang naramdaman ng ilang lugar sa Pilipinas, dahil sa mataas na heat index. 

Batay sa forecast ngayon ngayong araw ng PAGASA, dalawang lugar ang posibleng nakaranas ng 42° dangerous level na heat index. 

Iyan ang San Jose, Occidental Mindoro at Dumangas, Iloilo.

Habang ang Metro Manila, particular sa NAIA, Pasay City and Science Garden, at Quezon City ay posibleng nakaranas ng 38 hanggang 39 na heat index  ngayon araw. 

Kahapon, araw ng Lunes, naitala ang 43° na heat index sa Alabat, Quezon Province.

Pinag-ingat ng Pagasa ang publiko sa posibleng epekto sa katawan ng mataas na heat index.

Ang heat index ay tumutukoy sa init na nararamdaman ng katawan ng isang tao at ang alinsangan o halumigmig. 

Pinapayuhan ang publiko na limitahan ang oras sa labas, uminom ng maraming tubig, iwasan ang mga pag-inom ng maiinit na inumin, gumamit ng mga panangga sa init ng araw, at isagawa ang mabibigat na Gawain sa malamig na oras ng araw.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this