Manila, Philippines – Matapos ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho at negosyo noong Enero, bahagya naman tumaas noong pebrero ang bilang ng mga Pilipino walang trabaho sa 2.66 million.
Batay sa datos ng philippine Statistics Authority, tumaas ang bilang ng mga pilipinong nagkaroon ng trabaho sa 49.43 million o 94.9% noong pebrero.
Mula sa 47.94 million noong January, nadagdag ang datos ng employed persons ng 1.49 million.
Bunsod nito, bumaba ang unemployment rate sa 5.1% o 2.66 million mula sa 2.96 million o 5.8% noong January.
Nagmula ang malaking dagdag sa buwanang employment rate sa bansa ang mga industriya ng Wholesale and Retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; agriculture and forestry, Accomodation and food services activities, fishinga and aquaculture, at financial and insurance activities.
Ayon kay PSA National Statistician and Civil registrar general Undersecretary Claire Dennis Mapa, mas maraming Pilipino ang nakiisa sa labor force market noong buwan ng pebrero.
Kasama na rito ang mga Pilipinong natanggap sa trabaho na kabilang employed persons, habang sa unemployed persons naman ang mga hindi natanggap sa job interviews.
Habang may nakitang malaking pagbaba sa bilang employed persons sa Public Administration and Defense; compulsory social security.
Samantala, Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), pinaiigting ng pamahalaan ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga trabaho ng mga manggagawang Pilipino habang patuloy na nakaaapekto sa domestic labor market ang sigalot sa Middle East.—Krizza Lopez, Eurotv News