Manila, Philippines – Sa yellow paper nakasulat ang affidavit ni Ramil Madriaga- dating aide ni Vice President Sara Duterte.
Idinitalye niya ang umano’y planong pagpapatalsik ng mga Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maging ang umano’y pagpatay sa pangulo.
Ngunit inalmahan naman ito ng kampo ni Vice president Sara Duterte.
Iginiit ni Atty. Salvador Paolo A. Panelo Jr., legal counsel ni Vice President Sara Duterte, ‘pure fiction’ at hindi kapani-paniwala kahit saang anggulo aniya suriin ang mga paratang ni Madriaga.
Malugod din aniyang pasisinungalingan ng kampo ni Duterte ang bawat pahayag ni Madriaga, kaakibat pa ng mga ebidensya, kung kinakailangan.
Isinulat noong April 11, 2026, sinabi ni Madriaga na sinabihan siya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagamitin lamang ni Pangulong Marcos bilang tool para maipagpatuloy ang administrasyong Duterte.
Nakalahad sa affidavit ang ilang paraan kung paano umano ipapa-assasinate si Marcos o kung paano ito matatanggal sa pwesto na magbubunsod ng malawakang protesta ng taumbayan.
Ngayong araw ng Martes, humarap si Madriaga sa House Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Madriaga na may kaalaman siya sa maling paggamit ng bise ng confidential fund.–Krizza Lopez, Eurotv News