RAMIL MADRIAGA, HUMARAP SA COMMITTEE ON JUSTICE PARA SA IMPEACHMENT COMPLAINT VS. VP DUTERTE

Manila, Philippines – Humarap si Ramil Madriaga, umano’y dating aide at bagman umano ni Vice President Sara Duterte sa house committee on Justice sa pagpapatuloy nito sa impeachment proceeding laban sa bise president. 

Escort ng Bureau of Jail Management and Penology, naka bulletproof, at nakaposas, dumating si Madriaga sa kamara. 

Pinatotohanan niyang na nagsumite siya ng affidavit at supplemental affidavit sa kamara.

Hiniling sa kanya ni Congressman Terry Ridon na basahin ang supplemental affidavit kaugnay sa kanyang kaugnayan kay dating president Rodrigo Duterte, at Vice President Sara Duterte. 

Nakasaad sa kanyang affidavit ang ilan sa mga plano ni Dating pangulong duterte na i-sabotage ang administrasyong marcos. 

May isang punto pa sa kanyang pagbabasa ng affidavit na naging emosyonal si Madriaga kung saan umatras na sa Vice President Sara Duterte sa pagtakbo bilang president noong 2022, kundi nagdesisyon na tumakbo na lamang bilang running mate ni Marcos. 

Nabanggit din niya ang confidential funds at pag-de-deliver ng pera na nagkakahalaga ng 30 million hanggang 35 million sa tatlong magkakahiwalay na lokasyon, partikular sa Laguna, Nommu basho at OMB park na umano’y utos mismo ng pangalawang pangulo. 

Matatandaan na pinasinungalian ni Vice President Sara Duterte na nakatrabaho niya si Madriaga, dahilan para kasuhan nila ito ng perjury.

Ngunit ayon kay Madriaga kay maraming nakakaalam na mayroon silang pinagsamahan na trabaho ni Vice President Sara Duterte. 

Makikita sa ilang mga larawan at video na kaakibat ng affidavit na minsang magkasama sila at tinatawag din ni vice president Duterte. 

Katulad ng video na tinawag ni Sara si Ramil para iabot ang watawat ng Pilipinas sa isang campaign ng Isip Pilipinas. 

Ayon kay Madriaga pakiramdam aniya niya trinaydor siya ni Vice president Duterte. 

Sa kabila aniya ng kanyang ginawa para suportahan ito, maging ang paggawa ng mga mapanganib na utos ay ginawa niya. 

Ngunit hindi man lang ito nag-abala na pigilan si Harry Roque– kilalang kaalyado ng mga Duterte na paratangan siya ng kidnapping. 

Mahalagang witness si Madriaga sa usaping impeachment complaint laban kay Vice president Duterte dahil sa testamentong nitong siya ang nautusan para ideliver ang mga pera. –Krizza Lopez, Eurotv News

Share this