MAYORYA NG MGA PILIPINO, SUPORTA ANG IMPEACHMENT TRIAL VS VP DUTERTE — OCTA RESEARCH 

Manila, Philippines — Karamihan sa mga Pilipino ang nagsabing sinusuportahan nila ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, ayon sa bagong pag-aaral ng Octa Research Survey. 

Sa isinagawang tugon ng masa ng Octa research, lumabas na 69% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat lamang na harapin ni Duterte ang impeachment trial at sagutin ang mga paratang sa kanya. 

28% ang hindi sang-ayon, at 3% ang hindi makapagdesisyon. 

Malaking bahagi ng mga sumuporta sa impeachment trial ay nagmula sa Visayas na may 83%.

Sumunod ang National Capital Region na may 81% at 69% ay nagmula sa nalalabing bahagi ng Luzon. 

Habang pinakamababa sa Mindanao na may 61% ngunit pinakamataas sa mga nagsabing hindi nila ito sinusuportahan na may 38%. 

Isinagawa ang pag-aaral noong March 19-25, 2026 na na may 1,200 respondents. 

Samantala, humarap sa House Committee on Justice ang umano’y dating aide at bagman ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga. 

Isiniwalat nito ang ilang mahahalagang impormasyon kaugnay sa kung paano umano’y winaldas ni Vice President Duterte ang 125 Million pesos na confidential funds ng Department of Educatio at Office of the President. 

Sa mga balita, 11 araw ginastos ni Duterte ang 125 million, ngunit ayon kay Madriaga, wala pang 24 na oras nang maubos ito dahil siya mismo ang inutusan ni Duterte na dalin sa tatlong makakaibang lokasyon ang pinaghati-hating pera at iabot sa mga naghihintay na tao. 

Bigong makadalo si Vice President Duterte sa impeachment proceeding ng Committee on Justice kahapon. 

Ngunit naglabas siya ng pahayag kaugnay sa mga paratang nakapagtapos siya sa law school sa tulong ng malaking pangalan. 

Iginiit niya na natapos niya ang kanyang pag-aabogasya sa sarili niyang kakayahan. 

Hindi aniya niya kinailangan ng tulong ng kanyang mga professor para makakuha ng mataas na grado. 

Nagtapos umano siya ng abogasya noong 2005 at nakapasa ng bar exams sa unang take. 

Share this