TIWALA NG TAUMBAYAN KAY PBBM, TUMAAS; BAHAGYANG BUMABA ANG TIWALA KAY VP SARA — SURVEY

Manila, Philippines — Nakakabawi na ang lagay ng tiwala ng taumbayan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makita sa survey ang pagtaas sa unang quarter ng 2026. 

Habang bumaba naman bahagya ang lagay ng pagtitiwala ng masa kay Vice President sara Duterte. 

Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng Octa Research, 54% ng mga respondents ang nagsabing nagtitiwala sila kay PBBM, at 30% ang walang tiwala sa pangulo.

Naitala ang malaking trust rating sa Balance Luzon na may 59% habang pinakamabab sa Mindanao na may 45%. 

Bukod pa rito, tumaas din ang performance rating ni Pangulong Marcos sa 55%. 

Lumalabas na parehonG nakabawi ang trust rating at performance rating ni Marcos sa unang quarter ng 2026.

Noong 4th quarter ng 2025, nakapagtala si pangulong marcos ng 48% at 51% na trust rating at performance rating. 

Sa kabilang banda naman, mixed result ang nakuha ni Vice president Sara Duterte. 

Tumaas ng dalawang porsyento ang trust rating ng bise sa 55%. 

Ngunit may nakitang pagbaba sa performance rating niya na 50% mula sa 54% nito noong last quarter ng 2025. 

Nagmula sa kanyang balwarte—sa Mindanao ang pinakamataas niyang trust rating na 90%, habang naobserbahan ang pinakamababang rating sa National Capital region at balance Luzon na parehong may 40%. 

Isinagawa ang pag-aaral noong March 19-25, na nakiisa ang 1,200 mga Pilipino. 

Sa kasalukuyan, nahaharap si Vice President Sara Duterte sa reklamong impeachment sa kongreso dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.—Krizza Lopez, Eurotv News 

Share this