Manila, Philippines — Isinumite na ng Office of the Ombudsman ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte mula noong 2007 hanggang 2012 at 2016 hanggang 2024.
Ito ang mga panahon ng nagsilbi si Vice President Sara Duterte bilang bise alkalde ng Davao hanggang na siya ay maging isa nang Bise Presidente ng Pilipinas.
Batay sa SALN ni VP Sara Duterte, nakadeklara ang lahat ng net worth niya at nang kanyang asawa mula noong 2007 hanggang 2012, at 2016 hanggang 2024.
Gayundin, nakadeklara ang hawak na pera at nasa banko ni Duterte mula noong 2007 hanggang 2012 at 2016 hanggang 2018.
Sa mga sumunod na taon, mula noong 2019 hanggang 2024, lumalabas sa SALN na walang perang dinisclose ang Bise at ang kanyang asawa.
Ngunit umabot sa P88,512,370. 22 ang networth ni VP Sara Duterte at ng kanyang asawa na si Maneses Carpio.
Ayon kay Atty. Ronel U. Buenaventura, Executive Director ng Anti-Money Laundering Act. (AMLC), mayroong umanong mga kaduda-dudang transaksyon ang dalawa.
Batay sa updated report ng AMLC, mayroong 313 na Covered Transaction report at mayroong 17 suspicious Transaction report si Duterte.
Umabot sa mahigit 3.7 billion pesos ang mga pumasok at lumabas na halaga sa banko ng bise.
Habang sa kanyang asawa na si Carpio, mayroong 317 na CTRs at 16 kahina-hinalang transaksyon, habang mahigit sa 2.99 billion ang pera lumabas at pumasok sa banko.
Bukod pa rito, mayroong 791 million na undetermined inflow and outflow transaction dalawa.
Paliwanag ni Buenaventura, may batayan at pag-aaral ang AMLC para ikonsiderang kaduda-duda ang isang transaksyon.
Giit ng opisyal ng AMLC, karaniwang nasasangkot ang malaking pera sa mga illegal na aktibidad.
Ayon kay ED Buenaventura, nakatitiyak sila sa mga transaksyon na isinumite ng bangko sa AMLC dahil mismong mga bangko ang nagrereport nito sa tanggapan.
Sa mga panahon kasi wala siyang dineklarang kaperahan sa bangko si Sara Duterte, lumalabas sa summary of report ng AMLC na mayroong malalaking pera ang lumalabas at pumapasok sa mga bangko ni Duterte.
Hindi nagtutugma ang SALN ng bise sa report ng AMLC.
Ang isinasagawang impeachment proceeding ng House Committee on Justice laban kay Vice President Sara Duterte ay para matukoy ng probable cause ng impeachment complaint laban sa ikalawang pangulo.
Bukod sa reklamong pag babantang pag-assassinate sa pangulo, ang maling paggamit niya umano ng confidential funds ang isa sa mga reklamong iniuugnay kay VP Sara Duterte.—Krizza Lopez, Eurotv News