NAGLUNSAD NG INDEPENDENT INVESTIGATION ANG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS O CHR KAUGNAY NG MADUGONG ENGKWENTRO SA NEGROS OCCIDENTAL NA IKINASAWI NG HINDI BABABA SA LABING SIYAN KATAO NOONG APRIL 19.
Ito raw ay dahil may magkaibang impormasyon kung sino talaga ang mga nasawi sa insidente.
Ayon sa CHR, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mga miyembro umano ng armadong grupo ang mga napatay.
Pero ayon naman sa ilang grupo, may ilan daw sa mga biktima ay mga ordinaryong sibilyan lamang, kabilang ang isang student leader at isang community journalist.
Dahil dito, gustong linawin ng CHR kung ano talaga ang nangyari at ang tunay na pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Ipinaalala rin ng CHR na may mga batas na umiiral sa gitna ng labanan sa ilalim ng International Humanitarian Law, na nagsasabing ang malinaw na pagtukoy sa pagkakaiba ng mga mandirigma at sibilyan.
Anila mahigpit na pinagbabawal ang indiscriminate attacks.
Kung may pag-aalinlangan daw sa isang indibidwal, isang presumed civilian pa rin ito.
Ayon din sa batas, protektado ang mga sibilyan hangga’t hindi sila direktang lumalahok sa isang armed encounter.
Nanawagan ang CHR sa lahat ng panig na makipagtulungan at magsabi ng totoo sa isasagawang imbestigasyon.