DELA ROSA, NAGHAIN NG DALAWANG PANUKALANG BATAS SA KABILA NG MATAGAL NANG PAG-ABSENT SA SENADO

Manila, Philippines — Sa gitna nang matagal nang pag-absen ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa senado, nakapaghain pa ito ng dalawang panukalang batas

Isa sa mga inihain niya ang panukalang nagkokondena sa pakikialam ng mga banyagang institution sa sitwasyon ng bansa. 

Batay sa senate records, pinirmahan ni Dela Rosa ang dalawang senate bill noong Lunes, araw kung kailangan muling binuksan ang plenaryo ng senado. 

At noong miyerkules, binasa na sa plenaryo ang dalawang panukalang batas. 

Pangunahing Layunin ng  Senate Bill no. 2080 na bigyang-depinisyon, patawan ng parusa ang foreign interference sa bansa, at  magtatag ng counter foreign interference council. 

Tutukan ng konseho ang mga aspeto na politiika, ekonomiya, edukasyon, legal, at maging ang sandatahang lakas ng bansa. 

Habang senate bill no. 2079 o ang National Police Clearance systeme act. Ay layuning palakasin ang pagpapatupad ng National Police Clearance System.

Sa ilalim nito, nais ng senador na gawing sentralisado ang talaan ng NPCS, kabilang ang talaan ng lahat ng mga iniulat na insidente ng krimen, mga warrant of arrest, maging ang mga larawan at personal na detalye ng mga arestado at mga taong pinaghahanap ng batas. 

Halos anim na buwan ang hindi dumadalo at nagpapakita si Dela Rosa sa Senado, matapos lumabas ang mga report na mayroon nang warrant of arrest ang International Criminal Court laban sa kanya.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this