Manila, Philippines — Pinamamadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang konstruksyon ng North-South Commuters Railways (NSCR) Angles Station upang agad na magapit ng publiko.
Ito ay matapso ang naging pag-iinspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Secretary Banoy Lopez ang North-South Commuter Railway (NSCR) Angeles Station agad nitong ipinag-utos ang pagpapamadali ng konstrusyon ng proyekto.
Kasalukuyan ng nasa 90% na ang right-of-way (ROW) acquisition ng buong NSCR alignment sa Angeles City, kung saan inaasahan na magsisilbi ito sa libo-libong mananakay.
Ayon kay DOTr Secretary Secretary Banoy Lopez, makikipagtulungan na rin ito sa lokal na pamahalaan ng Angeles City upang lalong mapabilis ang pag-resolba sa mga isyu ng ROW nito.
Matatandaan na nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan ang konstruksyon ng mga big-ticket transport projects na magbibigay-benepisyo sa mga komyuter upang mapabilis ang kanilang pangaraw-araw na byahe.
Target simulan ang partial operation ng NSCR mula sa Valenzuela City hanggang Malolos, Bulacan segment sa December 2027.
Habang target naman maging operational ang Malolos hanggang Clark segment sa October 2028.
Oras na matapos ang konstruksyon ng 147-km NSCR System, mapaiikli aniya nito ang apat na oras na biyahe mula Clark, Pampanga patungong Calamba, Laguna ng dalawang oras nalamang.—Grachella Corazon, Eurotv News