26 NA LALAWIGAN SA LUZVIMIN, NAKARANAS NG  MATINDING TAGTUYOT NGAYONG BUWAN, KAHIT HINDI PA NAGSISIMULA ANG EL NIÑO – PAGASA

Manila, Philippines — Sa mga buwan pa ng June, July at August inaasahan ang opisyal na pagsisimula ng El Niño season o tagtuyot sa bansa, batay yan sa naging anunsyo ng PAGASA noong April 22.

Ngunit Mayo pa lang ng kasalukuyang taon, 26 na lalawigan na ang naitalang nakaranas ng matinding tagtuyot. 

Sa pinakabagong assessment na inilabas ng ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Lumabas na 24 sa mga naitalang nakaranas ng tagtuyot ay nagmula sa Luzon, kasama na ang Metro Manila, Rizal, Masbate, Pangasinan at iba pang lugar.

Sa Visayas naman ang Antique at Guimaras ang naitala rin ng PAGASA.

Bukod sa drought condition, 22 din na lalawigan sa Luzon ang naisama sa listahan ng dry spell, walo sa Visayas at 3 sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA ang mga kasamang lugar na nakararanas ng maagang tagtuyot at dry spell ay parehong mga hindi madalas ulanin sa magkakasunod na tatlong buwan.

Sa pagitan din daw ng May 1 hanggang May 24 naisailalim sa way below-normal hanggang below normal rainfall ang Luzon at Visayas, hindi kasama dito ang Southern part ng Eastern Visayas.

Near normal naman sa Mindanao at below normal hanggang above normal ang iba pang bahagi nito.

Matatandaan na una nang inanunsyo na ang tagtuyot ay papasok sa susunod pa na buwan na tatagal hanggang sa unang quarter ng 2027.

Share this