PBBM, HINDI NABABAHALA SA MABABANG SATISFACTION RATING NG PUBLIKO — PALACE

Manila, Philippines — Hindi aniya ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  Ang net satisfaction rating ng publiko mula sa survey ng social weather stations, ayon kay Palace press officer at undersecretary Claire Castro.

Mula sa Tokyo, Japan, nabanggit ni Communication officer Atty. Castro ang dalawang survey firm na mayroong magkaibang resulta. 

Batay sa resulta ng SWS sa net satisfaction rating ni PBBM noong March, bumaba sa all time low 33% ang mga pilipino nasisiyahan sa serbisyo ng pangulo, mula sa 40% noong Nobyembre. 

Sa kompyutasyon ng survey firm, -15% ang nabawas.

Sa kabilang banda, Bumuti ang lagay ng satisfaction rating ng pangulo na tumaas sa 54%, ayon sa pinaka huling tugon ng masa survey ng octa.

Giit ni Castro, magkakaiba man ang ipinapakitang resulta ng parehong survey, nakatutulong pa rin ito para pagbutihin pa ng pangulo ang kanyang pagtatrabaho. 

Gayundin, ang pagsisikap na maipaabot sa mga Pilipinong hindi pa nararamdaman ang serbisyo ng administrasyon.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this