Manila, Philippines — Posibleng bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na buwan, ayon sa LPG Marketers Association.
Batay sa paunang pagtataya ng grupo, maaaring umabot sa ₱12.00 kada kilo ang rollback sa presyo ng LPG. Kung maisasakatuparan, inaasahang makapagbibigay ito ng ginhawa sa mga kabahayan at negosyo na umaasa sa cooking gas para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Gayunman, nilinaw ng asosasyon na paunang pagtataya pa lamang ito at maaari pang magbago depende sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado sa mga darating na araw.
Patuloy na mino-monitor ng mga industriya ng langis ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado upang matukoy ang magiging pinal na presyo ng LPG para sa Hulyo.
Inaasahan naman ang opisyal na anunsyo ng mga kumpanya ng LPG hinggil sa price adjustment sa mga susunod na araw.
Samantala, DOE ang mga adjustments sa presyo ng mga produktong petrolyo (June 23-29, 2026).
Ang mga pagbabagong ito ay nakabatay sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, sa gitna ng patuloy na kaganapan sa Middle East na nakakaapekto sa global supply at presyo.