Manilal, Philippines – Dahil sa surprise rally ng Iglesia ni Cristo sa Quezon City at Manila, na-paralisa ng religious group ang daloy ng trapiko ng mga sasakyan at komyuter sa Metro Manila.
Isinarado ng Metropolitan Manila Development Authority ang pangunahing lansangan sa EDSA matapos magtipon tipon ang mahigit sa labing dalawang libong miyembro ng INC sa EDSA People Power Monument.
Alas-kwatro ng madaling araw ng magsimula ang mga miyembro ng INC na magtipon tipon sa EDSA.
Alas syete naman ng umaga ng isara ng MMDA ang
• EDSA Ortigas Service Road (Northbound)
• EDSA Ortigas Flyover (Northbound)
• EDSA Ortigas Flyover (Southbound) at
• White Plains Avenue (Eastbound and Westbound)
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, walang isinagawang koordinasyon ang naturang religious group sa kanilang tanggapan.
Gayundin ang Quezon City Police District at National Capital Region ay iginiit na walang permit ang INC para magsagawa ng rally.
Batay pa sa report ng MMDA, inihamblang pa raw ng mga raliyista sa EDSA Busway ang mga service bus na agad din namang narepondehan ng mga otoridad.
Nagbaba rin ng direktiba si Artes na i-tow at titikitan ang mga naka-illegal park na sasakyan sa kahabaan ng edsa-white plains avenue.
Sa kabila ng pagsasagawa ng rally ng walang kaukulang permit, inutusan ng Department of Interior and Local Government ang PNP na magpatupad ng maximum tolerance at maging ang angkop na security and traffic management measures para matiyak na magiging payapa ang pagkilos.
Ngunit ayon sa Armed forces of the philippines, bagamat nirerespeto anila ang karapatan ng mga Pilipino na mag-organisa, at ipahayag ang kanilang saloobin.
Nais din nilang bigyang diin na lahat ng pampublikong pagtitipon ay dapat isagawa ng naaayon sa mga umiiral na batas, lokal regulations, at may kaukulang permit.
Nanawagan din ang AFP sa organizers ng kilos protesta na tiyaking hindi sila makakaabala sa normal na operasyon lalo na sa transportasyon, mga manggagawa, mga estudyante at iba pang mananakay. – Krizza Lopez, Eurotv News